-- Advertisements --

Sugatan ang isang sundalo at 2 sibilyan matapos tamaan ng shrapnel mula sa inilunsad na anti-tank missiles ng Hezbollah sa northern Israel.

Ayon sa tagapagsalita ng Galilee Medical Center kung saan dinala ang mga nasugatan, ang isa sa 2 sibilyan ay 31 anyos na American citizen na nasa serious at stable condition.

Una rito, ilang dosenang projectiles at anti-tank missiles ang pinakawalan ng militanteng Hezbollah sa northern Israel nitong umaga ng linggo na bahagyang ikinasugat ng isang sundalo na agad inilikas at nilapatan ng lunas.

Sinabi din ng militanteng grupo na naglunsad sila ng rockets sa ilang mga Israel military sites.

Gumanti naman ang Israeli military sa pamamagitan ng pag-atake sa military structures ng Hezbollah.

Ang naturang pag-atake ng Hezbollah ay kasunod ng iniluinsad na airstrike ng Israeli military sa northern Lebanon noong Sabado na kumitil sa senior commander ng Hezbollah.