-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Nagdulot ng takot sa mga sibilyan ang pagsalakay ng mga terorista sa isang Army/Cafgu detachment sa lalawigan ng Maguindanao Del Sur.

Ayon sa ulat nang 601st Brigade na inatake ng mga kasapi ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF-Dawlah Islamiyah Group) ang isang Army at Cafgu detachment sa Sitio Butalo Barangay Sambulawan Datu Salibo Maguindanao Del Sur.

Agad itong natunugan ng pwersa ng gobyerno na gumanti ng putok sa mga rebelde na tumagal ng ilang minuto.

Umatras ang mga terorista sa pamumuno ni Kumander Jacket nang dumating ang karagdagang pwersa mula sa 6th Infantry (Redskin) Battalion Philippine Army.

Patay sa tropa ng militar si Corporal Allan Balena habang apat sa BIFF sa follow-up operation.

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang combat clearing operation ng Joint Task Force Central kontra BIFF sa Datu Salibo Maguindanao Del Sur.