-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY – Patay ang isang sundalo habang isa naman ang sugatan sa nangyaring engkwentro laban sa mga rebeldeng New Peoples Army (NPA) sa Mt. Balatucan, border ng Gingoog City at Misamis Oriental.

Ito ang naging kumpirmasyon ni 403rd Brigade civic military officer Capt. Ryan Layug sa panayam ng Bombo Radyo.

Sinabi ni Layug na tumagal sa 30 minuto ang palitan ng mga putok nang dalawang grupo na ikinasawi ng isang sundalo habang sugatan ang isa pa.

Subalit, naniniwala si Layug na may sugatan rin sa panig ng mga terorista.

Una rito, sunod-sunod ang nangyaring bakbakan sa nasabing lugar na nagresulta sa pagkahuli sa isang NPA na si Patrick Hilogon bitbit ang kaniyang M16 rifle.