-- Advertisements --

BACOLOD CITY – Patay ang isang sundalo habang sugatan ang dalawa matapos madawit sa engkwentro ng umano’y New Peoples Army (NPA) members sa Negros Oriental.

Sa panayam ng Bombo Radyo sinabi ni 302nd Infantry Brigade commander B/Gen. Ignacio Madriaga na nasa gitna ng isang medical mission sa bayan ng Manuyod ang mga sundalo nang mangyari ang sagupaan.

Batay sa ulat, iba’t-ibang security force ang kasali sa naturang programa nang makatanggap ng impormasyon ukol sa presensya ng NPA sa lugar.

Tinakot daw ng mga rebelde ang residente ng Brgy. Bantolinao kaya agad rumesponde ang mga otoridad.

Naidala pa raw sa ospital ang isa sa tatlong sundalo na napuruhan pero idineklara ring dead on arrival.