TACLOBAN CITY – Patay ang isang sundalo habang tatlong miyembro ng New People’s Army (NPA) kasama ang isang 14-anyos na dalagita ang nahuli ng militar matapos ang nangyaring engkwentro sa Sitio Kawayan, Brgy. Rizal, Kananga, Leyte.
Ayon kay BGen. Zosimo Oliveros, commanding officer ng 802nd Infantry Brigade, nangyari ang naturang sagupaan matapos na makatanggap ng report ang 93rd Infantry Battalion kaugnay sa presensya ng aabot sa 10 mga NPA na pinapangunahan ng isang Juanito Selleza Jr. o alyas “Tibor” sa naturang lugar.
Naatukhan pa mismo ng mga sundalo na nagkakaroon ng pagtitipon ang mga ito kasama ang naturang mga kabataan.
Nagkaroon naman ng aabot sa 10 minutong palitan ng putok ang magkabilang kampo na nagresulta sa pagkamatay ng isa sa panig ng tropa ng gobyerno.
Mahigpit namang kinondena ng naturang opisyal ang insidente gayundin ang ginawang recruitment ng NPA sa mga kabataan na ginawang “child warriors” at ang pagamit sa kanila bilang human shields.