-- Advertisements --
afpcent1

Iniulat ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na isang sundalo ang nasawi habang apat naman na mga uniformed personnel ang sugatan sa naging sagupaan ng mga militar at puwersa ng New People’s Army sa lalawigan ng Masbate.

Sa isang pahayag ay kinumpirma ni Corporal Antonio Parreño Jr. na isang sundalo ang napatay habang dalawang sundalo at dalawang pulis naman ang sugatan sa Villahermosa sa Cawayan, at Locso-on sa Placer.

Habang binomba naman ng mga pinaniniwalaan din na miyembro ng NPA ang Barangay Gaid sa Dimasalang.

Kung maaalala, una nang kinondena ng DND ang magkakasunod na pag-atake na ito ng naturang komunistang teroristang grupo sa lalawigan ng Masbate kasabay ng pagbibigay-diin sa pangako nitong tuluyang pagsugpo sa natitirang puwersa ng NPA.