CENTRAL MINDANAO-Binawian ng buhay ang isang sundalo at pito sa kanyang mga kasamahan ang nasugatan kabilang ang dalawang opisyal sa pagsabog sa lalawigan ng Maguindanao.
Ayon sa ulat ng 601st Brigade na lulan ang mga sundalo sa isang KM450 military truck mula sa Barangay Salman Ampatuan Maguindanao patungong Cotabato City ngunit pagsapit nila sa Barangay Labu-labu sa bayan ng Datu Hoffer ay bigla na lamang sumabog sa kilid ng kalsada ang isang Improvised Explosive Device (IED).
Sa lakas ng pagsabog nasawi ang isang Army Corporal habang pito ang nasugatan kabilang na ang dalawang Army Officer.
Ang mga nasugatan ay agad dinala ng kanilang mga kasamahan sa Maguindanao Provincial Hospital ngunit agad inilipat sa Camp Siongco Hospital.
Grupo ng Dawlah Islamiyah o Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) ang itinurong suspek sa pagpapasabog ng IED.
Sa ngayon ay hinigpitan pa ng militar at pulisya ang seguridad sa Maguindanao kontra mga terorista.