Nakatakdang sunugin sa susunod na linggo ng PNP at PDEA ang nasa isang toneladang iligal na droga na kanilang nakumpiska.
Ito ay tugon sa naging direktiba ng Pang. Rodrigo Duterte na wasakin ang mga nakumpiskang iligal na droga sa loob lamang ng isang linggo.
Kaya nakikipag-uugnayan sila sa Korte para sa nasabing hakbang.
Ayon kay PDEA Dir. Gen. Wilkins Villanueva, gumagawa na sila ng hakbang para macomply ang direktiba ng Pangulo.
Sinabi ni Villanueva, nasa 800 kilos o halos isang tonelada ng iligal na droga ang kanilang susunugin ngayong buwan ng Oktubre.
Naantala lamang ang petsa dahil sa conflicts of schedule ng ilang partido.
Samantala, tiniyak ng Philippine National Police (PNP) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na masunod nila ang naging utos ng Pang. Rodrigo Duterte.
Layon nito para maiwasan na ma recycle ang mga nasabing droga ng ilang mga unscrupolous individuals.
Sinabi naman ni PNP Chief Gen. Camilo Cascolan dapat agaran ang gagawing pagsira sa mga nakumpiskang iligal na droga.
Ayon kay Cascolan nag-usap na rin sila ni PDEA Dir. Gen. Wilkins Villanueva para sa mga gagawin nilang hakbang at nakatakda din sila makipag usap sa Supreme Court hinggil dito.
Inihayag naman ni PNP Spokesperson Col. Ysmael Yu na kailangan pa rin nila maghintay ng court order bago nila sunugin ang mga nakumpiskang iligal na droga.