BUTUAN CITY – Humantong sa pagkamatay sa isang suspek ang naganap na pangho-hold-up matapos nakipag-barilan ang kanilang biktima pasado alas 9:00 sa nakaraang gabi sa may Purok-4, Barangay Doña Rosario sa bayan ng Tubay, Agusan Del Norte.
Nakilala ang namatay na suspek na si Renelito Orlandez, 50-anyos na taga Davao City habang huli rin ang kaniyang kasama na si Michael Rayon, 34-anyos na residente sa Mahinog, Camiguin at may isa pang pinaghahanap.
Ayon kay Police Lt. Honorio Campos, spokesperson ng Agusan Del Norte Police Provincial Office na gamit sa mga suspetsado ang .38 na kalibre sa pistola nang hino-hold-up ang isang Lilia Bardinas, 72-anyos habang ito ay nasa labas ng kanilang bahay.
Kinuha ng suspek ang cellphone ng biktima at hiningian ng pera. Sumigaw ang biktima dahilang lumabas ang son-in-law nito na tinututukan rin ng mga suspek ngunit tumakbo ito pabalik sa bahay at kinuha ang kaniyang .45 na pistola na lisensiyado dahilan sa nangyaring barilan.
Napag-alamang miyembro ng Philippine Practical Shooters Association ang nakabarilan sa mga suspek at napatay ang isa nito habang tumakas naman ang dalawa.
Sa ginawang hot pursuit operation, naaresto ang isang suspek kahapon ng madaling araw habang patuloy namang hinahanap ang isa pa.
Napag-alamang bagong laya ang dalawang suspek galing sa Davao Prison and Penal Farm.