-- Advertisements --

Hati ang reaksyon ng mga ordinaryong fans at beauty queens kaugnay sa pahiwatig ni Rabiya Mateo na tila nais ang pixie o maiksing gupit ng buhok.

Rabiya pixie no

Ito’y eksakto isang linggo ngayong araw matapos ang 69th Miss Universe coronation kung saan tulad noong 2019, nakaabot lamang ito hanggang sa Top 21.

Unang ginulat ng 24-year-old half Indian beauty mula Iloilo ang kanyang followers matapos nag-post ng latest picture kung saan maiksi ang istilo ng kanyang buhok.

Kaagad din naman niya itong binawi sa pamamagitan ng tinatawag na IG story at sinabing sinubukan lang niya ang magsuot ng wig.

Isa sa mga nagkomento sa kanya ay ang ka-batch sa unang Miss Universe Philippines na si Billie Hakenson na dati nang nakilala sa kanyang pixie haircut.

Sa ngayon ay enjoy pa sa kanyang “me time” sa Amerika pa si Rabiya, bagama’t wala pang update sa target na mahanap ang kanyang Indian na ama at inaasahang babalik sa bansa sa July.