-- Advertisements --

Magkakatuwang ang tinaguriang Aquino sisters sa pag-asikaso sa naging “tropa” na ng kapatid nilang si dating Pangulong “Noynoy” Aquino.

Ito’y bago pa man sumakabilang-buhay si “P-Noy” nitong June 24, sa edad na 61, dahil sa renal disease secondary to diabetes.

Una nang tinukoy ng bunsong si Kris na isa rito ang kailangan matiyak pa rin nila ang maayos na magiging tahanan ng six year old dog ng kanyang kuya Noy na si Apollo.

“We know these would be his top priorities. On my part I have already spoken to Ate Yolly,” saad nito sa pamamagitan ng kanyang management na Cornerstone Entertainment.

Kasabay nito ay umapela ang kinilala noon bilang Queen of All Media na hindi muna sila masyadong magsasalita lalo’t ilang araw pa lamang ang lumipas mula nang mamaalam ang pang-15 pangulo ng bansa.

Sa oras aniya na matanggap na nila ang pagkamatay ng kapatid ay makakasaa ang publiko na ibabahagi na nila ang iba pang “sikreto” sa kanilang pamilya partikular ang tunay na dahilan ng naging girian nila ni Noy noon.

Nitong Lunes nang ibahagi ni Kris ang ilang pribadong “behind the scenes” bago i-cremate ang labi ni dating Pangulong Aquino.

Nakahimlay ang urn kung saan naroon ang labi ni Noynoy sa Manila Memorial Park sa Paranaque City katabi ang puntod ng mga magulang na sina dating Sen. “Ninoy” Aquino at dating Pangulong “Cory” Aquino.