Mas marami pa umanong natutunan sa buhay lalo na sa kanyang sarili si 2021 Miss Universe Philippines Beatrice Luigi Gomez.
Pahayag ito ni Gomez, isang linggo matapos ang 70th Miss Universe coronation sa Israel kung saan siya ay nakaabot hanggang sa Top 5 at ngayo’y nasa ika-isang linggo na ng kanyang quarantine sa isang hotel sa Pasay City.
Ayon sa 26-year-old Cebuana beauty, mahirap at hindi “amazing” ang kanyang Miss Universe journey gaya ng inaakala ng ibang tao kung saan kinailangan niyang malapampasan ang mala-roller coaster na pangarap.
“It took sleepless nights, unending hours of work, dedication and sacrifice. I am very fortunate to have a very strong and patient team with me that rallied since day 1. I wouldn’t have been able to power through this journey without their help and guidance. The same goes with my supporters, family, friends and even those who didn’t believe I could make it. Every single one of you has given me the strength and perseverance to go through the toughest of challenges during my time in the Philippines all the way to Israel.”
Makakaasa aniya ang mga kababayang Pinoy na ipagpapatuloy ang mga responsibilidad niya bilang Miss Universe Top 5 finalist.
Nabatid na isa ang pamilya ni Beatrice sa Cebu na naapektuhan ng pananalasa ng Bagyong Odette kung saan hindi nito inakala na ang masayang video call sa kanyang ina at kapatid ay napalitan ng takot nang biglang mawala na ang signal.
Plano ng beauty queen/athlete na bumisita sa kanyang hometown sa Cebu kapag natapos na ang kanyang quarantine.
Wala pa namang update ang team nito kung tuloy ang motorcade para sa kanyang grand homecoming.