-- Advertisements --

Mismong mga kandidata na ng 69th Miss Universe ang nagbibida sa kanilang inirarampang sapatos, kasabay ng papalapit na coronation night sa Florida.

Tulad na lamang nina Miss Spain, Mexico, Aruba at Venezuela, na kanya-kanyang pili sa mga kulay ng cream, caramel, cocoa, at silver.

Nabatid na ang Filipino shoe designer na si Jojo Brigais ang itinalaga ng Miss Universe Organization bilang official footwear sponsor ng prestihiyosong pageant.

Hanggang 200 pares ng sapatos ang ginawa ng Bicolano shoemaker para sa 75 official candidates kabilang ang pambato ng Pilipinas na si Rabiya Mateo.

Si Bragais ang unang official footwear sponsor ng Miss Universe.

Sa darating na May 17, Manila time, gaganapin an 69th edition ng Miss Universe sa Florida.

Sa ngayon ay nasa “safety bubble” na ng hotel venue ang 24-year-old half Indian beauty na tubong Iloilo, kung saan roomate niya ang Miss Japan.

Isa rin sa bonding nito sa mga kandidata ang pagturo sa kanila ng ilang salitang Tagalog gaya ng “mahal kita.”

Sa huling coronation bago sumiklab ang pandemya, nasungkit ng bansa sa pamamagitan ni Gazini Ganados ang Top 20 finish sa Miss Universe.