-- Advertisements --

Mula sa 6,040 kahapon, bumaba sa 5,411 ngayong araw ng Linggo ang bagong dagdag na kaso ng Coronavirus Disease (COVID-19) sa bansa.

Sa tala ng Department of Health (DOH) nitong alas-4:00 ng hapon, umakyat na sa kabuuang 1,507,775 ang mga tinamaan ng deadly virus sa Pilipinas.

Sa ilalim ng lingguhang “Oplan Recovery,” inulat ng DOH ang 5,439 na bagong recoveries kung saan nasa 1,433,851 na ang bilang ng mga gumaling mula sa COVID.

Nasa 26,714 naman ang kabuuang bilang ng mga nasawi matapos madagdagan ngayong Linggo ng 117.