CAGAYAN DE ORO CITY – Hinikayat ng Commission on Elections (COMELEC) ang publiko na dapat magkaroon na ng kompletong listahan ang mga botante para sa nalalapit na halalan sa darating na May 13.
Ito’y isang linggo bago ang pagboto ng taong-bayan mula sa national patungo sa local positions sa midterm elections sa bansa.
Sinabi ni COMELEC spokesperson James Jimenez sa Bombo Radyo, na dapat alam na ng mga botante kung sino ang mga kandidato na kanilang ihahalal.
Inihayag ni Jimenez na kailangang maingat din ang botante na hindi mag-over vote upang mapunta talaga sa mga piniling kandidato ang kanilang mga boto.
Nabatid na nakahanda na ang COMELEC sa idaraos na halalan kung saan hawak ng city treasurer’s office sa mga probinsya ang malaking porsiyento ng election paraphernalia na gagamitin sa May 13 elections.