-- Advertisements --

LEGAZPI CITY – Nilalanggam na ng makuha ng mga residente sa Purok 2 Brgy. Rawis, Legazpi City ang isang one week old baby girl sa loob ng abandonadong bahay sa isang pribadong kolehiyo sa lungsod.

Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay PSMS Carlo Paña, isa sa mga rumesponde mula sa Police Community Precinct 5 ng Legazpi City Police, una nang nakita ang sanggol ng grupo ng mga bata na kakain sana ng makarining ng umiiyak, na napansin rin ng isang tricycle driver na siyang nagpaabot ng impormasyon sa kapulisan.

Nakahiga sa malamig na sahig ang sanggol na nakasuot lamang ng lampin at puting damit.

Pinaniniwalaang umaga pa ng iwan ang naturang sanggol na ayon kay Paña ay posibleng maging delikado na ang kondisyon kung natagalan pa.

Nai-turnover naman ito sa Women and Children Protection Desk upang dalhin sa City Social Welfare and Development Office na binilhan na ng mga pangangailangan.

Nanawagan naman si Paña sa mga kalapit na establisyemento na may CCTV na makipag-tulungan sa imbestigasuon upang agad na mahanap ang posibleng nag-iwan sa sanggol.