-- Advertisements --
BORACAY DOT picture sunset
Picturesque sunset in Boracay (DOT photo)

KALIBO, Aklan – Kasabay ng unang anibersaryo ng pagpapasara sa Boracay ngayong araw, Abril 26, prayoridad ng lokal na pamahalaan ng Malay na madagdagan pa ang mga trained lifeguards.

Ayon kay Malay Mayor Abram Sualog, dahil lima na lamang ang kanilang natitirang lifeguards, balak nilang dagdagan ito ng 50 para sa maayos at mabilis na pagbibigay ng serbisyo sa mga beachgoer lalo na ngayong summer season.

Hindi lamang aniya sa white beach magbabantay ang mga ito, kundi sa iba pang public places sa isla kagaya ng Puka Beach.

Dagdag pa ni Mayor Sualog na naglaan na sila ng pondo para sa training ng mga aspiring lifeguards.

Samantala, under construction na ang 12 lifeguard towers, movable at hindi permanenteng istraktura, na ipinakalat sa tatlong stations ng Boracay.

Kung maaalala, anim na buwang isinara sa publiko ang tanyag na isla hanggang noong October 2018 upang isailalim sa rehabilitasyon.