Nakatakdang isapubliko ng National Transportation Safety Board (NTSB) sa Amerika sa kanilang board meeting sa Feb. 9, 2021 ang resulta ng imbestigasyon kaugnay sa pagbagsak ng helicopter ng basketball legend na si Kobe Bryant na kasama ang anak at iba pa.
Kasabay nito, maaari rin daw maglabas ang NTSB ng ilang serye ng safety recommendations kasunod ng naturang malagim na trahedya.
Kung maalala eksaktong isang taon na nang mangyari ang helicopter crash sa gilid ng kabundukan ng Santa Monica Mountains malapit sa Calabasas, California.
Sina Kobe ay papunta sana sa youth basketball tournament nang makasalubong ng piloto ang makapal na hamog hanggang sa bumagsak sila.
Sa ngayon maraming kaso pa ang nakabinbin, pati mga lawsuits na hindi pa rin nareresolba ng korte at ng mga imbestigador.
Ang misis ni Bryant na si Vanessa ay naghain din ng ilang mga kaso maging sa namamahala sa helicopter.