BUTUAN CITY – Muling inihiit ngayon ng Partido Manggagawa kungsaan kasama sa kanilang grupo ang mga public utility drivers at operators, ang isa pang taong extension sa franchise consolidation para sa Public Utility Vehicle o PUV Modernization Program ng pamahalaan matapos mag-expire ang deadline nito noong Disyembre a-31, taong 2023.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Butuan, ipinaliwanag ni Wilson Fortaleza, tagapagsalita ng Partido Manggagawa na kailangan nila ang isang taong extension upagn masigurong walang maiiwanan lalo na sa mga drivers sakaling tuluyan nang gagamitin ang mga modern units ng dyip.
Ang isang taong extension, ay malaking tulong na umano sakaling may lulutang pang mga problema sa consolidation lalo na’t i-oorganisa na sa asosasyon o kaya’y kooperatiba ang mga jeepney units knamay sarili ng mga ruta.
Nilinaw pa ni Fortaleza na ang naturang programa ay hindi lang naglalayon sa mga modernong yunit ng dyip kondi pati na sa rationalization ng mga ruta na syang pinakaproblema at dapat umanong reresolbahin.