CAGAYAN DE ORO CITY – Nakikipag-ugnayan ngayon ang city government ng Cagayan de Oro sa local government unit na mayroong hawak ng isang taon gulang na bata na kabilang sa apat na panibagong positibo ng COVID-19 Delta variant sa Northern Mindanao.
Ito ay matapos kiuompirma ni Dr Ted Yu ng City Health Office na nasa pang-apat na batch na ang kaso ng Delta variant sa lungsod dahil sa nadagdag na mga pasyente.
Inihayag ni Yu na tatlo sa panibagong Delta variant positives ay pawang mga babae at iisang working place lang nagkahawaan na lahat ay nakabase sa lungsod.
Nilinaw ng opisyal na ang 1-year old na batang lalaki ay bagamat ay kasalukuyang nasa labas ng Northern Mindanao subalit may mail address naman ito mismo sa lungsod.
Ito ang dahilan na inaalam nila ang lahat ng impormasyon ukol sa pinakabatang biktima ng Delta variant para makagawa ng karagdagang mga aksyon.
Dahil sa apat na karagdagang kaso, nasa 25 na ang positibong kaso ng Delta variant ng lungsod dahilan na makalawang beses na nailagay sa enhanced community quarantine simula noong Hulyo 16 at nagtapos naman kahapon.