-- Advertisements --

TACLOBAN CITY – Nagdulot ng pagkabahala sa ilang mga taga Tacloban an lumabas na report na may higit isang taong gulang na bata ang namatay dahil sa hinihilang meningococcemia.

Ayon kay Dr Gloria Fabrigas, Tacloban City Health Officer kailangan pang isailalim sa confirmatory test ang ganitong kaso pero inamin niya na mayroon kaparehas na sintomas sa meningococcemia ang paslit bago ito binawian ng buhay.

Dagdag pa nito na naconfine ang bata sa Tacloban City hospital pero namatay din agad ito pagtapos ng dalawang araw.

Bilang bahagi ng protocol, binigyan ng prophylaxis ang mga taong nakasalamuha ng bata at dinis-infect din ang hospital kung saan ito na-confine.

Napag alaman na ilan sa mga sintomas ng meningococcemia ay lagnat, pagsusuka, pagsakit ng ulo at mga pasa sa balat.

Ang naturang sakit ay pwedeng maipasa sa pamamagitan ng paghalik at paggamit ng mga kagamitan ng taong nagkaroon ng meningococcemia.