DAVAO CITY – Nagsagawa agad ng clearing operation ang lokal na pamahalaan ng Davao de Oro matapos ang nangyaring landslide pasado alas sais kaninang umaga.
Sinasabing tatlong lane ng Daang maharlika Mawab-Tagum Road KM 69, Barangay Tuboran, Mawab Davao de Oro ang natabunan ng gumuhong lupa.
Ayon kay Joseph Randy Luy, head ng Provincial Disaster Risk Reduction Management Office (PDRRMO) Davao de Oro na hindi lamang ang nasabing lugar sa Davao de Oro ang nakaranas ng landslide kung saan may naitala rin umanong pagguho ng lupa sa JK Village Tuburan Mawab kung isang bahay ang apektado.
Nasa tatlong bahay rin ang nasira sa Barangay Panuraon Davao de Oro matapos rin ang nangyaring landslide kung saan tatlong mga bahay ang nasira at isang 1 year old na bata ang namatay matapos matabunan ng lupa.
Sinabi rin ng opisyal ang may nauna na umanong nangyaring landslide sa National Highway kung saan katabi lamang sa nangyaring pagguho ng lupa kanina dahil pa rin sa nararanasan na mga pag-ulan simula pa sa nakaraang linggo.