-- Advertisements --
BACOLOD CITY – Nakakulong na ang driver ng pick-up na nakabangga sa isang taong gulang na sanggol sa San Carlos City, Negros Occidental.
Una rito, sa imbestigasyon ng San Carlos City Police Station ay kasama rin ng biktima ang kanyang mga magulang at pauwi na sana ang mga ito galing sa palengke nitong Linggo ng tanghali.
Pinapaandar umano ng ama ang kanilang motorsiklo na naka-park sa tabi ng daan habang inaayos naman ng misis ang kanilang pinamili sa palengke nang mangyari ang aksidente.
Hindi namalayan ng mag-asawa na umatras na pala ang kanilang anak at umabot na sa daan.
Hindi rin naman nakita ng 62-anyos na driver ng pick-up ang sanggol kaya kanya itong nabangga at nagulungan.
Namatay ang baby girl habang dinadala sa ospital.