Kinumpirma ng Department of Agriculture ang 10-15 percent na pagtaas sa presyo ng mga gulay sa Merkado.
Ayon sa kay Agriculture Assistant Secretary Arnel De Mesa , ito ay dahil sa pagbaba ng supply nito sa mga lugar na labis na naapektuhan ng mga nagdaang bagyo partikular na ang bagyong Kristine.
Kabilang sa mga y production areas na naapektuhan ng naturang sama ng panahon ay ang rehiyon ng Cordillera,Region II,CALABARZON, at Central Luzon.
Dahil dito, bumaba ng aabot sa 28,000 metric tons ang supply ng gulay sa bansa.
Nilinaw naman ng opisyal na may mga lugar pa rin sa Pilipinas na maaaring maging alternative source ng gulay .
Ito ay ang Visayas , Mindanao at ilang bahagi ng Luzon na hindi hinagupit ng bagyong Kristine.
Tiniyak ni De Mesa na maibabalik rin sa normal na presyo ang mga gulay sa loob ng isa hanggang dalawang linggo kapag nakarekober na ang supplie nito mula sa mga naapektuhang lugar.