-- Advertisements --

DAVAO CITY – Emosyonal ang isang pamilya sa Barangay Coronon Sta. Cruz Davao del Sur sa sinapit ng isang 10 anyos na bata kung saan hindi ito nakalabas sa kanilang nasusunog na bahay kahapon.

Una nito, agad rumesponde ang mga personahe ng mga kabomberohan matapos makatanggap ng impormasyon sa nangyaring sunog sa Prk. Sun Flower, Brgy. Coronon, Sta. Cruz, Davao Del Sur na nagresulta rin sa pagkamatay ng biktima na nakilalang si Aleah Wasquin Lim, 10 anyos, mentally disable, residente sa nasabing lugar.

Ayon sa ina ng biktima na si Mary Jane Wasquin Lim, 38 anyos, pumunta muna siya sa tabi ng dagat na nasa 600 metro ang layo mula sa kanilang bahay at iniwan ang kanyang anak sa loob.

Sinubukan umano niyang iligtas ang kanyang anak ngunit mabilis umanong kumalat ang apoy dahil gawa lamang ito sa mga light materials.

Patuloy pa ngayon ang ginagawang imbestigasyon ng otoridad para malaman ang dahilan ng sunog.

Kasalukuyan ngayon na nakaburol ang bangkay ng biktima sa isang punerarya sa Brgy. Zone III, Sta. Cruz, Davao Del Sur.