-- Advertisements --

BACOLOD CITY – Wala nang buhay ang isang 10-anyos na babae at hinihinalang ginahasa nang matagpuan sa loob ng tubuhan sa Murcia, Negros Occidental kagabi.

Sa panayam ng Bombo Radyo Bacolod sa hepe ng Murcia Municipal Police Station na si Police Major Robert Dejucos, sinabi nitong lumalabas sa kanilang imbestigasyon na ang biktima ay inutusan ng kanyang mga magulang na bumili ng frozen food sa tindahan dakong alas-4:00 kahapon ngunit hindi na ito nakauwi.

Dakong alas-8:00 na ng gabi nang matagpuan ang bata na wala nang buhay sa loob ng plantasyon ng tubo malapit lang sa kanilang bahay sa Barangay San Miguel, Murcia.

Hindi pa makukumpirma ng hepe kung ginahasa ang bata bago pinatay ngunit nakababa na ang underwear nito nang matagpuan ng kanyang mga kamag-anak at iba pang residente.

Ayon sa hepe, hindi pa matutukoy ngayon kung sa loob mismo ng tubuhan pinatay ang bata o dito lang siya iniwan ng suspek o mga suspek.