-- Advertisements --

Nasa 10 kaso na ng paglabag sa umiiral na “Vape Ban” ang naitala ng National Capital Region Police Office (NCRPO).

Ang nasabing kampanya ay batay sa kautusan ni Pang. Rodrigo Duterte na mahigpit na ipinagbabawal ang paggamit ng vape sa mga pampublikong lugar.

Ayon kay NCRPO Spokesperson Lt.Col. Britz Estadilla, habang nagsagawa ng police mobilized patrol ang mga pulis, naaktuhan ang 10 indibidwal na gumagamit ng vape sa pampublikong lugar sa Sta Cruz, Malate sa Manila at Makati City.

” In the enforcement thereo0f, we are bound to ensure that all violators will be arrested and properly recorded in the blotter book,” wika ni Estadilla.

Ayon naman kay NCRPO chief BGen. Debold Sinas, bukod sa pag-aresto sa mga lumalabag sa vape ban, idiniklara na rin nilang ban ang importation o pagbebent ng vape sa publiko.

” As per the pronouncement of our Honorable President and per directive from the National Headquarters, we have placed the Ban on importation and use of vapes among our top priorities,” pahayag ni BGen. Sinas.

Siniguro naman ni Sinas na lahat na makukumpiskang gamit ay all-accounted.

Nakipag-ugnayan na rin ang NCRPO sa mga local government units maging sa mga malls at vape store owners hinggil sa pagbebenta ng mga vapes.Beautiful Love, Wonderful Life