Nasa 10 miyembro na ng Abu Sayyaf Group (ASG) ang boluntaryong sumuko sa militar sa Sulu sa loob lamang ng isang linggo.
Ito ay bunsod sa matinding pressure na ibinigay ng security forces dahil sa patuloy na military operations.
Ang mga sumukong miyembro ng ASG ang siya ring nagbigay ng ilang mahahalagang impormasyon sa militar laban sa teroristang grupo partikular sa grupo ni Idang Susukan at Mundi Sawadjaan.
Ayon kay Joint Task Force (JTF)-Sulu Commander B/Gen. William Gonzales, walang tigil ang kanilang combat operations laban sa grupo ni Sawadjaan at Sahiron hangga’t hindi nanu-neutralize ang mga ito.
“Our combat operations will never stop until we have cornered and neutralized the groups of Sawadjaan and Sahiron. As we employ the full force of the Joint Task Force in finding the terrorists, we are also actively supporting the efforts of the Local Government of Sulu in operationalizing their respective Task Forces to accommodate the surrendered personalities in the localized social integration program,” ani B/Gen. Gonzales.
Pinuri naman ni Western Mindanao Command Commander Lt. Gen. Corleto Vinluan ang JTF-Sulu dahil sa tuloy-tuloy na mga importanteng accomplishment.
“With this feat, we are confident that more local terrorists will be convinced to cross the line. We would like to express our appreciation to the local government units for the support extended to us,” wika ni Lt. Gen. Vinluan, Jr.
Kabilang sa 10 sumuko ay ang dalawang tauhan ni ASG leader Radulan Sahiron.
Kinilala ni JTF Sulu Spokesperson Lt Col Ronaldo Mateo ang mga sumukong ASG member na sina alyas Jepoy, 35-anyos at Abu Omar, 26-anyos.
Sumuko ang dalawang bandido kay Lt Col Rafael Caido Commanding Officer ng 6th Special Forces Batallion.
Isinuko rin ng dalawa ang kanilang M16 Rifle at M79 Grenade Launcher.
Inamin nang dalawa na nahikayat sila nang kanilang kasamahan na si Amah Adin na una nang sumuko sa militar na magbalik loob sa gobyerno at tanggapin ang tulong ng pamahalaan para makapag bagong buhay.
Naniniwala si Mateo na malaking impact sa local terrorist group ang sunud-sunod na pagsuko ng ilang miyembro ng Abu Sayyaf.