-- Advertisements --

Patay ang nasa 10 bagong silang na bata matapos na masunog ang neonatal intensivecare unit ng pagamutan sa northern India.

Ayon sa mga opisyal na mabilis na kumalat ang apoy sa pagamutan na matatagpuan sa Jhansi City, Uttar Pradesh.

Ang nasabing ward ay kinaroroonan ng 55 na mga sanggol na nagpapagamot.

Nailigtas ang nasa 45 na mga sanggol habang mayroong 16 na iba pa ang sugatan.

Patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng mga otoridad ukol sa insidente.