BUTUAN CITY – Kinumpirma sa probinsiyal na pamahalaan sa Surigao Del Norte na walang natalang casualty sa landslide kahapon sa alas 5:30 ng hapon sa Brgy. Siana, Mainit, Surigao del Norte.
Mismong si Gov. Robert Lyndon Barbers ang pumunta sa mga apektadong pamilya kasama ang mga personahe sa Abante Search and Rescue Team, sa Provincial Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) pati ang Incident Management Team (IMT) sa Greenstone Resources Corp. kung saan ang kanilang mining site ay nasa Barangay Siana.
Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Butuan, ligtan na nailikas ang nasa 46 na pamilya na dinala sa evacuation centes sa bayan ng Tubod at Mainit bago paman natabunan ang 10 bahay sa nangyaring landslide.
Nawalan rin ng linya sa kuryente ang nasabing habang may crack diin ang daan.
Base sa opisyal na pahayag ng nasabing mining company na Greenstone Resources Corp., sinuspinde nila ang mining operation upang isagawa ang emergency response activities.
Bago paman umano ang insidente, may lindol nang yamanig na may kalakasang 4.0 magnitude sa Hinatuan, Surigao Del Sur.
Nang natanggap ang impormasyong may crack sa daan, kaagad nai-cordon ang lugar at inilikas ang mga residente bago paman ang landslide.