-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Sampung mga bahay sa probinsya ng Cotabato ang sinira ng malakas na ulan at hangin.

Sa ulat ng Cotabato Provincial Desaster Risk Reduction and Management Office na sampung kabahayan sa Brgy Buayan M’lang North Cotabato ang nasira nang manalasa ang buhawi.

Ayon sa ilang mga residente na bago tumama ang buhawi ay bumuhos ang malakas na ulan at sinundan ng nag-aalimpuyong hangin.

Apat sa sampung bahay ang wasak na wasak ng tamaan ng mga nabuwal na puno ng niyog at mangga.

Suwerte namang walang nasaktan dahil nakapagtago ang mga residente sa ligtas na lugar.

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang assessment at monitoring ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office ng Mlang,kung saan ay nakatakda itong mamahagi ng tulong sa mga pamilya na nawalan ng tahanan.