-- Advertisements --
prigozhin

Kinumpirma ng Russia na narekober na ang 10 bangkay kabilang ang flight recorders mula sa crash site ng private jet ni Wagner chief Yevgeny Prigozhin na nagbunsod ng kamatayan nito.

Ayon sa mga imbestigador, isinasagawa na ang molecular-genetic tests o DNA tests para matukoy ang mga narekober na bangkay mula sa crash site.

Matatandaan na bumagsak ang private jet ng Russian mercenary leader malapit sa Moscow noong araw ng Miyerkules na nagresulta sa espekulasyon na isang bomba o missile ang dahilan ng pagbagsak ng naturang eroplano.

Kasamang nasawi ang kanang kamay ni Prigozhin na si Dmitry Utkin gayundin ang 5 iba pang mga pasahero at 3 crew members na lulan ng Embraer Legacy 600 jet.

Subalit pinabulaan naman ni Dmitry Peskov, ang tagapagsalita ni Russian President Vladimir Putin ang claims na ipinag-utos umano ng Kremlin na patayin si Prigozhin at sinabing pawang kasinungalingan ito.

Si Prigozhin nga ay dating loyalist ni Putin na nanguna sa naudlot na pag-aaklas ng kanyang mercenary fighters noong Hunyo.