DAVAO CITY – Umabot ng sampung mga barangay dito sa lungsod ng Dabaw ang apektado sa malawakang pagbaha dulot ng magdamag na malakas na pag ulan.
Batay sa Rapid Damage Asseement and Need Analysis (RDANA ) ng Davao City Disaster Risk Reduction and Managament Office (CDRRMO) umabot rin sa 127 na mga pamilya o mahigit tatlumpong daang indibiduwal ang apektado na kaagad namang inilikas papuntang mga evacuation centers.
Kaagad namang nagdeklara ang lokal na pamahalaan ng Davao City ang suspension ng klase sa mga apektadong barangay.
Inihayag ni CDRRMO Head Alfredo Baloran na ang naturang mga barangay ay nasa mga low lying areas at mga walang tamang draininage system.
Dagdag pa ni Baloran na wala namang naiulat na mayroong nasaktan o namatay sa pagbaha na halos umabot sa bobong ng mga kabayhayan partikular na sa Matina, Aplaya, Talomo Proper, Bago Gallera, Bago Aplaya, Maa, catalunan Pequnio at Baliok.
Nag-umpisang bumuhos ang malakas na pag-ulan at pagrasaga ng tubig pasado alas 11 kagabi na nagresulta din ng pagka-anod ng maraming mga sasakyan.