-- Advertisements --
Nakaalerto ang 10 bayan sa lalawigan ng Bulacan dahil sa tumataas na antas ng tubig sa angat river at ang dalawang dam sa probinsiya ay malapit ng maabot ang spilling level sa gitna pa rin ng nararanasang matinding pag-ulan ngayong araw.
Kaugnay nito, inaabisuhan ang Local Risk Reduction and Management Offices (LDRRMOs) gayundin ang mga residente na maging alerto sa posibleng pagtaas ng water level sa nasabing ilog.
Kabilang sa mga bayan na inalerto ay ang Norzagaray, Angat, San Rafael, Bustos, Baliuag, Pulilan, Plaridel, Calumpit, Paombong, at Hagonoy.
Patuloy naman na nakamonitor ang state weather bureau at mga awtoridad sa Ipo dam sa hydrological condition ng angat River.