-- Advertisements --

BIFF1

Boluntaryong sumuko sa militar sa ilalim ng Joint Task Force Central ang 10 miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) Karialan Faction sa Headquarters 1st Mechanized Brigade, Brgy Kamasi, Ampatuan, Maguindanao kahapon ng umaga August 24, 2021.

Ayon kay Lt.Col. Charlie Banaag, Commanding Officer ng 6th Infantry Battalion, bitbit ng mga sumukong bandido ang anim na high powered firearms kabilang ang isang M16 A1 Rifle, isang M1 Carbine Rifle, dalawang Caliber .30 Garand Rifles, isang Caliber .50 Sniper Rifle, at isang RPG.

“These Former Violent Extremists expresses their desire to live a quiet and peaceful life with their love ones and stressed how the BIFF has ruined their lives,” pahayag ni Lt.Col. Banaag ang mga sumukong BIFF members ay iprinisinta kay Datu Saudi Ampatuan Mayor Edris Sindatok.

Inihayag naman ni 1st Mechanized Brigade Commander Col. Pedro Balisi, na malaki ang naging kontribusyon ng komunidad sa pagsuko ng 10 BIFF fighters sa Maguindanao.

“This accomplishment is a joint effort of security forces in close coordination with the community leaders and Local Government Unit of Datu Saudi Ampatuan,” pahayag ni Col. Balisi.

Iniulat naman ni 6th ID at Joint Task Force Central Commander MGen. Juvymax Uy na sa ngayon daan-daan ng mga violent extremists ang sumuko sa pamahalaan simula nuong buwan ng Enero.

Ayon kay MGen. Uy dahil sa pinalakas na opensiba ng militar laban sa BIFF at Daulah Islamiya dahilan para sumuko ang mga bandido sa pakikipag tulungan ng AGILA-HAVEN Program ng Maguindanao province.

Winelcome naman ni MGen. Uy ang 10 BIFF members na nagdesisyong magbalik loob sa gobyerno.

“Your decision to work with the government in attaining peace and stability in Maguindanao is a milestone not only for the security forces but also for our partners from the Local Government Units and from the communities as well,” pahayag ni Maj. Gen. Uy.

Ayon pa kay Uy simula ng mabuo ang Agila-Haven Program nuong 2019, nasa kabuuang 211 na mga dating bandido na ang nakatanggp ng benepisyo.

Idiniklara naman ni Maguindanao Governor Bai-Marriam Sangki-Mangudadatu na ‘persona-non-grata’ sa kanilang probinsiya ang mga BIFF at DI.

Na-iturn over na rin sa pangangalaga ng 6th Infantry Battalion ang mga isinukong armas ng 10 BIFF fighters.