-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Nais magbago at mamuhay ng mapayapa ng sampung mga terorista na sumuko sa militar sa lalawigan ng Maguindanao Del Sur.

Ang mga rebelde ay mga kasapi ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF-Toraife Group).

Sumuko ang sampung BIFF sa tropa ng 601st Brigade Philippine Army sa Ampatuan Maguindanao Del Sur.

Dala ng mga rebelde sa kanilang pagsuko ang mga matataas na uri ng armas,mga pampasabog,mga bala at mga magasin.

Pormal namang tinanggap ni 601st Brigade Commander Colonel Oriel Pangcog ang 10 BIFF na sumuko na nagmula sa mga bayan ng Datu Salibo at Shariff Saydona Mustapha.

Panawagan ngayon ni 6th Infantry (Kampilan) Division Chief at Joint Task Force Central Commander Major General Roy Galido sa ibang BIFF na sumuko na at mamuhay ng mapayapa sa tulong ng gobyerno.