-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Umaabot na sa 245 na mga miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) ang sumuko sa militar mula buwan ng Enero hanggang Oktubre sa lalawigan ng Maguindanao.

Bago lang ay sumuko ang sampung mga terorista kasabay ng 68th Foundation Anniversary sa bayan ng Sultan Sabarongis Maguindanao.

Nakilala ang mga sumuko na sa tropa ng 33rd Infantry Battalion Philippine Army na sina Narix Saligan, Ting Dadin, Kamarudin Maguid, Mosanip Maguid, Nana Makalimpas, Walid Milikano, Allan Bagel, Macky Sandigan, Basti Usman at Datukan Palaguyan.

Isinuko ng mga rebelde ang isang M14, isang M16A1, isang M79; dalawang rocket-propelled grenades; isang Barret; isang Tomb Gram; isang 12 Gauge Shotgun; isang Caliber 45; isang Caliber 38; isang Rifle Grenade; isang Hand Grenade; at isang Improvised Explosive Device.

Pormal namang tinanggap ni 6th Infantry (Kampilan) Division Chief at Joint Task Force Central Commander Major/General Juvymax Uy ang sampung BIFF kasama si Sultan Sabarongis Mayor Mamatanto Mamantal.

Sumuko ang mga ito dahil na rin sa patuloy na focused Military operation ng Joint Task Force Central at sa hirap ng kanilang sitwasiyon, gutom at pagod.

Hinikayat naman ni MGen Uy ang mga armadong grupo kagaya ng BIFF, NPA, Local Terrorist Group at mga Armed Lawless Group na sumuko na at magbagong buhay.