CENTRAL MINDANAO- Nais ng magbago at mamuhay ng mapayapa ng 10 mga dating violent extremists na sumuko sa militar at pulisya sa Datu Saudi Ampatuan Maguindanao.
Ang sampung mga rebelde ay mga tauhan ni Kumander Kagui Karialan ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF-Karialan faction).
Sumuko ang mga rebelde kay 6th Infantry Battalion Philippine Army Commander Lieutenant Colonel Charlie Banaag sa pakipagtulungan ng Datu Saudi Ampatuan MPS,Maguindanao Police Provincial Office at ni Datu Saudi Mayor Edris Sindatok.
Pormal namang tinanggap ang sampung myembro ng BIFF ni Ist Mechanized Brigade Commander Colonel Pedro Balisi sa Brgy Kamasi Ampatuan Maguindanao.
Isinuko ng mga rebelde ang mga matataas na uri ng armas,mga pampasabog,mga bala at mga magasin.
Pinuri naman ni 6th Infantry (Kampilan) Division Chief at Joint Task Force Central Commander Major/General Juvymax Uy ang lokal na pamahalaan ng Datu Saudi Ampatuan,katuwang ang militar at pulisya sa matagumpay na pagsuko ng sampung rebelde.
Panawagan ni MGen Uy sa mga rebelde na habang hindi pa huli ang lahat ay sumuko na at mamuhay ng mapayapa.