CENTRAL MINDANAO- Sampung mga myembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) ang sumuko sa militar sa probinsya ng Maguindanao.
Ang mga rebelde ay mga tauhan ni Kumander Gani Saligan ng BIFF Karialan Faction.
Sumuko ang sampung BIFF sa tropa ng 90th Infantry Battalion Philippine Army sa pamumuno ni Lieutenant Colonel Michael Maquilan.
Pormal namang tinanggap ni 602nd Defuty Brigade Commander Colonel Donald Gumiran ang mga rebelde na sinaksihan nina Pagalungan Maguindanao Mayor Datu Salik Mamasabulod at Vice-Mayor Abdila Mamasabulod.
Dala ng sampung BIFF sa kanilang pagsuko ang mga matataas na uri ng armas, pampasabog, sangkap sa paggawa ng bomba, mga bala, magazine at mga Improvised Explosive Device (IED).
Nais ng magbagong buhay at mamuhay ng mapayapa ng mga rebelde kaya ito ay sumuko.
Tumanggap naman ng tulong pinansyal at livelihood assistance ang 10 BIFF mula sa LGU-Pagalungan.
Nagpasalamat si Colonel Gumiran sa tulong nina Mayor Datu Salik at Vice-Mayor Abdila Mamasabulod na tumulong sa negosasyon sa pagsuko ng mga rebelde.