-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Nakompiska ng mga otoridad ang smuggled cigarettes na ipupuslit sa lalawigan ng Lanao Del Sur.

Ayon sa ulat ng Joint Task Force Central at Ist Marine Brigade na nasabat ng mga tauhan ng Marine Battalion Landing Team (MBLT-5) sa Secretary Narciso Ramos Highway, Barangay Bacayawan Malabang Lanao Del Sur ang isangToyota HIACE kulay puti na may plakang DAG-5316 na minamaneho ni Asnawe Cabugatan Barua, 31 anyos, residente ng Brgy Banday, Malabang, LDS.

Sinabi ng driver na patungo sana siya sa Picong LDS para ideliver ang smuggled cigarettes.

Walang naipakitang dokumento ang driver sa dala niyang sigarilyo kaya agad itong inaresto ng Philippine Marines.

Pinasalamatan ni 6th Infantry (Kampilan) Division Chief at Joint Task Force Central Commander Major/General Juvymax Uy at ni 1st Marine Brigade Commander Brig.Jonas Lumawag ang mga tropang nakaharang ng illegal na sigarilyo.

Sa ngayon ay nakapiit na ang suspek sa Malabang MPS at nakatakdang sampahan ng kaukulang kaso.