-- Advertisements --

Isang 10-buwang gulang na sanggol na lalaki mula sa Metro Manila ang pinakahuling biktima ng paggamit ng paputok matapos na masugatan ng kwitis o skyrocket ang kanyang kanang mata.

Sinabi ng DOH na ang kwitis, na itinuturing na legal, ay sinindihan ng ibang tao sa bahay nang masugatan nito ang kanang mata ng bata.

Siya na ngayon ang pinakabatang naitala na napinsala dahil sa mga paputok sa record ng ahensya.

Ang pinakamatanda sa tala ay isang 77-anyos na lalaki mula sa Ilocos Region na napinsala naman ng whistle bomb, na sinindihan din ng ibang tao.

Matapos ang pagdiriwang ng Bagong Taon, ang departamento ay nagtatala pa rin ng mga pinsalang may kinalaman sa paputok.

Nag-ulat ito ng 114 na bagong kaso mula Enero 2 hanggang 3, kaya umabot sa 557 ang kabuuang bilang.

Sinimulan ng ahensya ang pagtala ng mga insidente ng paputok para sa kapaskuhan noong Disyembre 22.