-- Advertisements --

LA UNION – Aabot sa 30 indibidual sa San Fernando City, La Union ang tumanggap ng bangka.

Ang nga benepisyaryo ay mula sa mga coastal barangay sa syudad.

Ayon kay City Fisheries Coordinator Florycel Obeña, ang nasabing mga bangka ay napanalunan ng syudad para sa “Malinis at Masaganang Karagatan Search for Outstanding Community” kung saan naibigay ang mga bangka sa mga benepisaryo sa community fish landing center sa Brgy. Ilocanos Sur kasabay ng turn over ceremony.

Ang mga naibigay na bangka ay para sa mga indibidwal na walang pinagkukunan ng pangkabuhayan.

Kabilang sa mga benepisyaryo ay ang Bargy. Poro, San Agustin, Catbangen, Ilocanos Sur, San Vicente, San Francisco, Ilocanos Norte, Carlatan, Lingsat, at Pagdaraoan.