-- Advertisements --

BAGUIO CITY – Sinalakay at sinira ng mga otoridad ang aabot sa 10 cockfighting ring sa iba’t ibang bayan ng lalawigan ng Benguet kahapon.

Batay sa report ng Benguet Provincial Police Office (PPO), isinagawa ang serye ng operasyon kahapon kontra sa mga iligal na sabungan sa walong bayan ng lalawigan.

Sinira ng mga otoridad ang 10 na mga man-made makeshift cockfighting rings sa Buguias, Itogon, Tublay, Kapangan, Sablan, Atok, Tuba at Mankayan kung saan ilan sa mga ito ang sinunog pa ng mga otoridad.

Napag-alaman na ginagamit ang mga nasabing sabungan para sa non-bladed illegal cockfighting.

Gayunman, walang nahuli ang mga otoridad sa nasabing serye ng operasyon kontra iligal na sugal.

Ayon sa pulisya, isinagawa ang operasyon bilang pagsuporta sa kampanya ni PNP chief Lt. Gen. Archie Gamboa na pagpapahinto sa anumang klase ng sugal dito sa bansa.