Tinatayang nasa 10 katao ang namatay habang may iba pang lubhang nasugatan matapos masunod ang isang ospital na gumagamot sa mga pasyenteng may COVID-19 sa Romania.
Una rito, sumiklab ang apoy sa intensive care unit ng naturang pampublikong ospital sa siyudad ng Piatra Neamt.
Sinasabing nasa kritikal na kondisyon ang isang doktor matapos magtamo ng malalang paso sa katawan nang kanyang tangkainng iligtas ang mga pasyente.
Ayon kay Romanian Health Minister Nelu Tataru, posibleng short circuit ang pinagmulan ng sunog.
Dinala na rin aniya ang iba pang COVID-19 patients sa ibang pasilidad sa lungsod ng Iasi.
Habang ang sugatang doktor ay dinala naman sa kabisera ng bansa na Bucharest.
“There are other medical staff who suffered burns, not only the doctor on duty,” dagdag pa ni Tataru.
Walo sa mga biktima ang napaulat na namatay sa silid kung saan nagsimula ang sunog, at may dalawa pa sa katabi nitong kwarto.
Lahat umano ng mga biktima ay ginagamot sa coronavirus.
Sa pinakahuling tala, nasa mahigit 350,000 na ang mga kaso ng coronavirus sa Romania, na may 8,813 deaths. (BBC)