-- Advertisements --

CAUAYAN CITY- Naitala ngayong araw sa Isabela ang 10 panibagong kaso ng COVID-19.

Sa inilabas na abiso ng pamahalaang panlalawigan, 3 sa mga bagong kaso ang mula sa bayan ng Cordon, 2 sa Ilagan City habang tig-iisa sa Cauayan City , Santiago City, mga bayan ng Gamu, Roxas at San Mariano.

Magandang balita naman dahil 47 ang naidagdag sa mga gumaling kaya bumaba na sa 249 ang aktibong kaso sa Isabela.

Apat ang Returning Overseas Filipinos, 6 ang non-authorized persons outside residence, 20 ang health worker, 5 ang pulis at 214 ang mula sa local transmission.

Muling pinaalalahanan ng pamahalaang panlalawigan ang publiko na sundin ang mga alituntunin at huwag lumabas sa tahanan kung hindi kinakakilangan.