-- Advertisements --

LA UNION – Nasa mabuti ng kalagayan ang 10 crew ng dalawang sea vessel na sumadsad dahil sa masamang lagay ng panahon sa dalampasigan ng Barangay Pinipin sa bayan ng Sta. Cruz, Ilocos Sur.

Sa panayam ng Bombo Radyo La Union kay Cdr. Alexander Corpuz ng Coast Guard Station Ilocos Sur, sinabi nito na wala namang nangyaring masama sa lahat ng pahinente ng mga nasabing sasakyang pandagat.

Patungo sana sa Appari, Cagayan ang mga ito nang pumalya umano ang makina ng tugboat na humihila sa barge na walang karga habang nasa gitna ng maalong karagatan kaya sila napadpad sa dalampasigan ng Barangay Pinipin.

Ayon kay Corpuz, ang mga naglalakihang alon sa dagat na dulot ng habagat ang dahilan ng pagkasira ng makina ng sasakyang pandagat.

Samantala, nakatakda muling ayusin at palutangin ang mga naturang sea vessel ngayong araw.

Narito naman ang listahan ng mga pangalan ng mga nakaligtas na crew:

M/TUG YEHOSHUA

  1. CAPT RODNIE ESCOBAR / 55 YO / ILOILO
  2. CHIEF MATE RUBEN FLORES 56 YO / BALIWAG BULACAN
  3. A/B CHRISTOPHER DAEL / 41 YO / DAVAO DEL SUR
    4 A/B VICTOR DACLES / 54 YO/ CAPIZ CITY
  4. CHIEF ENGINEER EDGARDO SIMENO / 62 YO / ZAMBOANGA CITY
  5. SECOND ENGR RODEL MONDRAGON / 48 YO/ CUYO PALAWAN
  6. OILER MERLIN SOLITA / 41 YO / PALAWAN
  7. OILER NOVEN BECHACHINO / 28 YO / TACLOBAN CITY

BARGE AURIGA

  1. JESUS SOCRATES / 40 Y.O / PALAWAN – BARGE MAN