-- Advertisements --

Tinawag ng isang opisyal ng Philippine Navy ang 10 dash line claim ng China sa pinagtatalunang karagatan na isang “joke” na denisinyo lamang para sa entertainment purposes.

Ayon kay Philippine Navy spokesperson for the West Philippine Sea Rear Admiral Roy Vincent Trinidad, walang katotohanan at walang legal na basehan ang naturang claim ng China na lagpas sa normal na imahinasyon at pang-unawa.

Kung saan binanggit nito na ang posibleng numero unong audience nito para sa naturang pronouncements ay ang Chinese Communist Party para ipakita ang malakas na naratibo nito para manatili sa kapangyarihan, maaari din aniya ang mga mamayang Pilipino o international audience.

Subalit iginiit ng PH Navy official na walang natatawa sa naturang joke ng China.

Samantala, marami aniyang international law na susuporta sa posisyon ng Pilipinas kabilang na ang 2016 arbitral tribunal ruling at ang ating Konstitusyon. Malinaw din aniya na ang Palawan ay parte ng ating kapuluan. Kayat dapat mag-ingat mula sa mga pronouncement ng isang foreign power.

Matatandaan, dinoble pa ng China ang walang basehng claim nito sa disputed waters matapos na idagdag nito ang 10th dash saklaw ang eastern section ng Taiwan noong 2023.