GENERAL SANTOS CITY – Sampung datin myembro ng New Peoples Army ang nakatanggap ng P520,000 halaga ng financial assistance mula sa reintegration program.
Ayon kay Sarangani Governor Steve Chiongbian Solon ang nasabing tulong ang ibinigay basi sa firearms remuneration and livelihood grants ilalim sa Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP).
Pito sa kanila ang dati mga rebeldi nakatanggap ng P25,000 hanggang P50,000 habang ang tatlo naman tumanggap ng P65,000 halaga ng livelihoood bawat isa.
Dagdag pa ng opisyal na ito na ang huling batch sa mga returnee na sinailalim sa E-CLIP.
Siyam sa kanila ang residente ng Malapatan habang isa sa Malungon mga lugar na nag operate ang NPA Guerilla front 71 .
Muling nanawagan ang opisyal sa mga NPA member na magsurender para mabigyan ng mga benipisyo kagaya ng housing assistance, skills training, health insurance at marami pa.
Matatandaan nuong Hunyo walong dati New Peoples Army na nag operate sa Sarangani ang nakatanggap ng PHP25,000 hanggang P65,000 na livelihood assistance and remuneration matapos sinuko ang kanilang mga baril.