-- Advertisements --

Maging ilang local celebrity ay pumapasyal na muli sa Boracay, sa gitna ng mahigpit na health protocol bunsod ng coronavirus pandemic.

Isa na rito si Ina Raymundo na nagdiwang ng kanyang 45th birthday, ilang araw bago sumapit ang Pasko.

Kasama ng dating sexy star ang kanyang pamilya kung saan partkular na ka-bonding nito ang kanyang 19-year-old daughter na si Erika.

Ina Raymundo teen daughter
happy place 🤍

Sa caption ni Raymundo, ramdam nito ang pagtanda ngunit hindi magiging hadlang para maka-jamming pa rin ang kanyang “grown-up” kids.

Sa panig naman ng kanyang anak na bagong pinagpipiyestahan online tuwing mayroong sexy photos, inilarawan nito bilang “happy place” ang Boracay.

Si Raymundo ay sumikat noong 1990s matapos bansagan bilang “Sabado Nights” girl kasunod ng kanyang kinatampukang beer commercial.

Sa video na isinapubliko mismo ni Ina, o Rina Marie sa tunay na buhay, makikita ang game na pagsuporta ni Erika sa pictorial ng ina habang nasa tabing-dagat.

Ang 45-year-old former sexy actress ay happily married sa kanyang Canadian husband at mayroon silang limang anak.

Samantala, una nang naiulat ng Bombo Radyo Kalibo na ipinagmalaki ng municipal tourism office sa Aklan ang pagtaas ng tourist arrival sa pangunguna ng mga taga-National Capital Region na may halos 3,000 o 78%.