-- Advertisements --

Magsasagawa ng 10 araw na pagluluksa para sa mga biktima ng coronavirus pandemic ang bansang Spain.

Magsisimula ngayong Miyerkules ang nasabing 10 days of official mourning.

Ilalagay lahat ang bandila sa half-mast bilang pagpapakita ng pagluluksa sa mahigit 27,000 katao na nasawi dahil sa virus.

Sinabi ni Spanish Prime Minister Pedro Sanchez, na nararapat lamang na bigyan ng pakikiramay ang mga nasawing biktima ng nasabing virus.

Ang nasabing hakbang ay aprubado sa isinagawang cabinet meeting.

Isasagawa ang isang ceremony sa pagkilala sa mga biktima na ito ay pangungunahan ni King Felipe VI.